- Makapasa ng isang quiz man lang sa Econ (hindi ako nagaaral kapag recit.)
- Hindi uli masabihan ng "Hindi ka dapat nasa UP!" ng propesor ko sa Nat Sci 5, katulad ng nangyari noong Biyernes. Alam kong masama, pero ang totoo, nagalak ako nung may sinabihan siyang iba noon sa klase, isang babae sa harap na hindi nakasagot sa tanong niyang parang lightspeed dumating. Nakailang sala na rin kasi ako sa kanya. Pero noong Biyernes, nag-"Yes" siya sa sagot ko. Natuwa na ako sa lagay na yun.
- Makatapos ng isang paper ng maaga, nang hindi ko kailangang makipag-date ng magdamagan sa computer, USB, at printer.
- Makakuha ng mataas na score sa exam, o kaya naman ay magkaroon nung pakiramdam na habang nagsasagot ng exam ay nasa 60% ang alam. Swak sa passing. Pero gusto ko rin dagdagan yan.
- Hindi umasa sa Wikipedia. Guilty ako sa paggamit ng unscholarly reference, oo.
- Makapag-ipon, kahit konti man lang. Kanina, hindi ako nag-jeep mula Ansci papuntang Vega. Pakiramdam ko, napakalaking sakripisyo na yun. Oo, kailangang magbawas.
- Hindi makatulog kung kailan dapat nag-aaral.
- Hindi masabihan ng "tamad".
May ilang minuto pa ako para mag-blog. Masama ang ginagawa ko dahil dapat ay papunta ako sa workshop ng aking org-to-be ngayon. Pero dahil sa bagal ko gumawa ng paper ay hindi muli ako naka-attend--patung-patong na ang utang ko sa Pantas. Babawi ako.
Magtitino ako.
Ewan ko kung dahil ito sa kape na ininom ko bago magklase sa Econ. (Palagi na lang ako nanuka doon, at nagsulat ng tila pang-kinder. Sa Philo, minsan ganito rin ako. Sinulat ko nung minsan sa notes ko, "amibiduity" at "ambuditiy" imbis na "ambiguity.") Pero pagpapakinabangan ko na habang gumagana ang utak ko.
May ilang buwan pa sa semester.

No comments:
Post a Comment