Nakahilata
Sa ilalim ng lunos,
Kawalaan
Ang tumutugon
Sa bawat pagsuyo.
Hinahagkan,
Bukas-mata,
Ang puwang na dati'y
Tinuring mong iyo.
Pero hindi ko magawa
Ang pumikit,
Mabigat man,
Mapilit.
Tatanggapin ng mga
Mata ko
Ang langit.
Tulala
Hahayaang umalingasaw
Ang paglisan mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

2 comments:
Hay shit. Depressed ka 'teh?
Ang ganda ng pagkaka-sad. Okay ka lang teh?
Post a Comment